Sabado, Hunyo 25, 2011

Ang kapalit ng Bagyong "Falcon"

Isang masayang pangyayari na anman ang nadagdag sa aking buhay kasama ang mahal ko.
naiiba at mga makukulit napang yayari ang aking naranasan sa araw na ito (June. 26, 2011)
Sa ganap na alas onse ng gabi sinamahan ko ang mahal ko sa baclaran upang bumili ng sapatos. Ngunit dahil na rin siguro sa lakas ng bagyo ng araw na yun ay nadatnan namin ang bangketa ng walang tao at mga paninda. nagtaka ako dahil hindi naman karaniwang nangyayari yun?
"Gusto mo bang pumunta tayo ng divisoria mahal" ang tanong sa akin ng mahal ko.
"sige kung o.k. lang sayo" sagot k naman sa kanya.
Maya maya pa ay sumakay na kami ng jeep papuntang Divisoria upang kunin ang amin pakay doon.
habang nasa loob ng jeep ay panay ang harutan at lambingan namin, kesehodang pagtinginan kaming dalawa sa loob ng jeep.
maya maya pa ay lumampas na kami sa "La Salle". habang itinuturo naman sa akin ni mahal ang kanilang school doon. sagitna ng aming pag uusap ay napansin namin na yung isang mama na kasama namin sa jeep ay panay ang yuko at parang may kung anong hinahanap sa ilalim ng upuan ng jeep.
At dito na kami nag simulang mag usisakung anong ang hinahanap ni kuya?
"kuya anong hinahanap mo" tanong ni mahal.
" yung cellphone ko kasi nawawala e., narinig kong may bumagsak e baka nasa ilalim ng upuan" ang maayos naman sagot ni kuya.
"naku kuya yung narinig mong bumagsak e yung payong ng mama yun., yung huling bumaba ng jeep" ang pakikisawsaw ko naman sa usapan nila.
"huh? naku e kasi nakatulog ako kanina hindi ko namalayan na wala na pal yung cellphone ko" ang may pagakabalisang sagot ni kuya sa amin.
"baka nadukatan ka na brad?" sagot naman ng isa pang pasahero ng jeep.
hindi nagtagal ay nalaman na lang ni kuya na nadukutan nga sya ng cellphone., tiwala naman daw syang umidlip sandali dahil may kasabay naman kaming pulis nung mga oras na yun. Pero nasalisihan pa rin sya.
*
Umabot na sa sukdulan ang jeep. sa wakas ay naratin na namin ang aming destinasyon ang Divisoria.
sa kasagsagan ng bagyong falcon ay patuloy kaming nag hanap ng bukas na tindahan ng mga sapatos para maka bili ng aming pakay.
At pinalad naman kaming makakita. sa ka pipili ng ka pipili ay ako na ang nag desisyon kung anong susuotin nyang sapatos. natuwa naman sya sa aking pinili at dinalawa pa ang sapatos na binili,
Nang amin ng nabili ang pakay namin ay buong akala ko ay makaka uwi na kaming noong mga oras na yun.
ngunit may ibunulong sa akin si mahal.
"mahal pupnta ytayo ng malabon kasi patay yung nagalaga sa akin noong maliit pa ko." dalaw lang tapos pahinga tayo ng konti at uuwi na rin tayo."
ang sabi sa akin ni mahal.
At yaman din lang na wala naman akong gagawin kinabukasan at medyo may katagalan na rin simula nung huli kaming nag kita ni mahal ay pianunlakan ko na rin ang kanyang alok.
sa gitna ng ulan ay sinuong namin ang daan patungo sa sakayan ng jeep papuntang sanggang daan sa malabon.
swerte na lang at nakasakay agad kami ng jeep. sa daan napansin kong lahat halos ng lugar na daanan namin ay may baha at nasabi ko na lang na "Hanep naman d2 parang dagat?".
Sumagot si mahal at sinabi sa akin na "hindi lang yan ang makikita mo pag dating natin doon".
Nang kami ay bumaba na sa aming jeep na sinasakyan ay lumipat ulit kami ng isa pang jeep. hindi ko na nakita ang signboard ng jeep, basta ay sumakay na lang ako at nagbayad na si mahal ng aming pamasahe.
"manong bayad ho dalawang tatawid".
at muli na namang nag patuloy ang aming pag lalakbay sa gitna ng bagyong falcon.
*
nag ibaba na kami ng jeep sa aming destinasyon ay naglakad pa kami. habang nag lalakad ay nagkukwento ang mahal ko sa akin na kilala daw ng mga tao doon ang tatay nya. at doon daw sya lumaki sa lugar na iyon. 
naniwala naman ako dahil halos lahat ng taong makakita sa kanya ay binabati sya at nasasabihan pa na "ang laki ng itinaba mo huh?" at isang matamis na ngiti lang ang kanyang isusukli sa bawat taong babati sa kanya.
*
dumaan kami sa isang lugawan doon, "magkano ang order ng lugaw sa inyo?" ang tanong ni mahal sa akin. "kinse pesos mahal. bakit?" sagot ko.
"ahh dito limang piso lang isang order ng lugaw"  at sabay tanong sa tindera ng "ate may lugaw na po kayo?".
"wala pa po" sagot ng tindera. at dali dali naman kaming lumipat sa katabing lugawan. at sakto naman na may lugaw na silang tinda. At tama sya dahil limang piso lamang ang order ng lugaw sa kanila. kapag may itlog ay dose pesos naman.
Naaliw ako sa aking mga nakita. ang kanilang menu na nakasulat sa isang tarpoline na ganito ang naka lagay:
LUGAW--- 5.00
LUGAW ITLOG --- 12.00
LUGAW TOKWA --- 12.00
LUGAW BABOY ---
LUGAW MATA ---
LUGAW UTAK---
LUGAW LAMAN---
MAMI---
(HINDI KO NA NATANDAAN ANG PRESYO NG IBA KAYA BLANKO ANG NAKALAGAY).
Natawa ako doon sa LUGAW UTAK sabi ko sana binaliktad na lang nila para UTAK LUGAW ang kalabasan ng salita.
*
At amin ng pinag saluhan ang lugaw na aming inorder sa tindera. at may tig isang itlog pa kami. di hamak na malakas kumain sa akin si mahal. kaya naka dalawang itlog at lugaw sya. uminom ng softdrinks at nagyosi saglit at muli na kaming lumusong sa baha.
"Ay naku ayoko ng lumusong sa baha sakay na tayo ng side car" ang sabi ni mahal.
isang naiibang karakter na naman ng sasakyang pang publiko ang aking nakita ng mga oras na yun. "sidecar na gawa sa mountain bike?? astig huh? talagang di ka mababasa ng baha dyan" o tingnan mo pati kariton mountain kariton din? hanep!!". ito ang pagulalas kong nasambit kay mahal.
sa loob ng Mountain Sidecar ay patuloy kong tinatanaw kung hanggang saan ang baha sa kanilang lugar. ngunit wala akong makitang mataas nakalsada na hindi abot ng tubig baha. Nagpatuloy pa ang aming byahe papunta sa aming pakay. 
At sa wakas ay naratin ko ang lugar na hindi abot ng baha kung saan na burol ang labi ni Ka Andres (Taong nag alaga kay mahal noong sya ay bata pa lamang).
maluwalhati naman kaming tinanggap at pinapasok sa kanilang tahanan. hinainan ng pagkain at kinausap si mahal ng kanyang mga kababata. ako naman ay nanatiling nakaupo sa isang tabi hanbang kinakapa ang gagawin ko sa mga oras na yun. ng maramdaman ko na hindi ako related sa pinag uusapan nila ay nag paalam ako upang lumabas ng bahay at manigarilyo sa labas. may tent naman kaya hindi ako mababasa ng ulan.
At naubos ko na nga ang isang stick ng sigarilyo. ay biglang bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng pag ihip ng malakas na hangin. nilamig lalo ang katawan ko ng mga sandaling iyon.
Lingid sa  kaalam ni mahal ay masama talaga ang pakiramdam ko noong mga oras na yon, sa bahay pa lang ay masama na ang pakiramdam ko kaya nga dapat ay mag papahinga ako ng maaga. ngunit sa kagustuhan kong mapagbigyan ang kanyang kahilingan ay pumayag na ko. parang bonding na rin namin dalawa ito.
sa kabila ng malakas na ulan at ihip ng hangin ay nanatili ako sa may tent inaantay kong lumabas si mahal. at lumabas naman sya. sa aming pag uusap na dalawa ay may nag tanong kay mahal isang kababata nya 
"jowa mo?" ang tanong kay mahal. Ngunit hindi pa sya nakaka sagot ay sinundan pa ng isang may pangiinsultong salita "mukang taga sapa".
at biglang nag iba ang timpla ni mahal noong mga oras na yon. "ikaw umayos ka huh? hindi ka inaano!!" ang may pag kainis na sigaw ni mahal sa kababata.
at sabi ni mahal sa akin noong oras na yon "Mahal inaasar ka oh? muka ka daw taga sapa?" kapag sinabi kasi dito na taga sapa sila yung pinaka squatter dito at ang papanget pa". ang turan ni mahal sa akin.
Hindi ko alam kung nag eenjoy sya noong sinabi nya sa akin ang mga iyon o talaga hndi nya lang maiwasang matawa tahil sa term na taga sapa.
medyo napahiya ako syempre., at sinabi ko naman kay mahal na "Ikaw kasi e hindi ko alam na pupunta tayo dito, e di sana naka pag ayos man lang ako ng damit ko at naka pag ahit ng bigote at balbas ko" paliwanag ko sa kanya.
at sumundot pa ng pang aasar ang kababata ni mahal "taga sapa!" ang pang aasar sa akin.
"Isang pang salita nito tingnan mo bubuhusan ko ng mainit na tubig to!" ang may pag babantang tinig ni mahal.
*
Maya maya pa ay nay yaya si mahal na mag ikot sa mga bestfriend nyang babae ng oras na yon. at syempre wala naman akong choice kundi sumama kesa naman maiwan ako doon at puro pang iinis lang ang gawin sa akin ay baka mapauwi ako ng wala sa oras.
Muli ay nilusong namin ang baha na may kasamang ihi ng hayop at tao at sari saring basura na lumulutang sa baha. Lakad ng lakad hanggang umabot sa binti, tuhod at hita ko ang tubig baha.
"mahal noong nag punta ka sa bahay pinalusong kita sa baha pero nag sorry ako sayo kasi baka di ka sanay anak ng tokwa e mas matindi pala dito sa lugar mo? hindi humuhupa ang baha!!" ang pabiro kong salita sa kanya.
"halika mahal punta tayo sa bahay namin malapit na yon dito" ang sabi sa akin ni mahal.
nakarating nga kami sa kanilang bahay. malaki na raw ang ibinago ng itsura noon simula noong huling araw na makita nga ang bahay na iyon., sabi nya sa akin. binuksan nya ang pinto at ginising ang natutulog na kapatid na si cocoy.
nagharutan ang mag kapatid at nag tawan. nag kamustahan at nag tuksuhan.. nakaka aliw silang panoorin dahil parang magkasundong magkasundo silang dalawa.
Si mahal ang panganay sa mag kakapatid naka graduate sa sya "De La Salle University" sa may taft. sa cursong soc sci. o social science. hindi pa nga lang sya nakaka pag masteral ayun sa kanya.
ang sumunod ay si Kevin pangalawa sa apat na mag kakapatid. criminology daw ang kurso ni kevin., ngunit hindi nya ito natapos. 
Ang pangatlo ay si Cocoy third year high school pa lang si cocoy pero bakas mo sa kanyang muka na matured sya mag isip. mabait na bata si cocy na medyo may pagka pilyo. maharot makulit at punong puno ng buhay.
At ang buso ay si Khristian., si khristian ang pinaka bata sa lahat na ang halos nag alaga na daw sa kanya ay ang namayapang si ka andres, kaya naman makikita mong malapit ang loob ng buong pamilya sa pamilya ni ka andres.
halos tumagal ng 1 1/2 oras ang usapan ng mag kapatid na nauwi sa arburan ng gamit. bago pa kami nag patuloy na umuwi na sa bahay ni ka andres kasama si cocoy.
muli pa ay lumusong na naman kami sa tubig na halos hangang hita ko na ang taas. Nang makarating ay muli akong umupo sa isang tabi at patuloy silang nag huntahan. 

Sa aming pag ikot ay naka balik na kaming muli sa bahay ni Ka Andres o mas kilala sa tawag na Ka Andy sa lugar nila. 
habang ako naman ay may konting pangingilag pa sa mga tao doon sa lamay dahil baka ako ay maasar na namang ulit.manaka naka ay...
 may isang bata na nasa edad ata ay 8 o hanggang 9 na taong gulang ang nag yaya sa akin na makipag laro ng Dama. pinaunlakan ko ang kanyang kahilingan. at nag laro nga kami ng dama. habang tumatagal ay wala ng labang ang bata sa akin. nakita ko sa muka nya na determinado syang manalo sa aming laro. kaya para matapos na ay nag patalo na ko. at sa kanyang pag tayo ay may himig ng pang iinsulto ang kanyang boses sabay sa na "panalo ako".
Sumunod naman ang isang bata na nasa ika anim na baitang sa elemtarya. ang muling humamon sa akin. pero sa pagkakataong ito ay hindi na Dama ang aming lalaruin. Chees  ang matapang na pag hahamon sa akin. muli ko na namang pinaunlakan ang bata. 
Magalin sya sa larangan ng chees mararabi ko na sa edad nya ay pwede syang lumaban ng tournament. kailangan nga lamang ay matutukan ang bata dahil may ilalabas pa na natatagong galing ang batang yon.
ang aming laban na halos tumagal yata ng 45 mins o 1 oras. ang ending ng laro ay tabla. sa pag kakataong ito ako naman ang nagyaya sa isa pang game kami. ngunit umayaw na sya. at pagod na daw sya.
muli pa ay naiwan na naman akong naka nga nga sa isang tabi.
Tinawag ako ni mahal at sinabi na mag laro daw ako ng tong its. nag enjoy naman ako dahil ang kalaro namain sa tong it ay hindi marunong kaya lagi syang nag babalasa. hanggang sa nag palit na kami ng laro sa baraha na naging pusoy dos na. pero hindi pa rin sya nana nalo sa amin kaya binansagan syang balasador at wag daw mag hugas ng kamay at baka raw sya ay mapasma.
*
Hanggang sa abutan na kami ng antok at mag pasya ng matulog noong araw na yun.
Kasabay na lumipas ng maghapon ang malakas na ulan. patuloy sa pag daluyong ang malakas na ulan ay lumaki na rin ang tubig baha. bali balita doon na nag pakawala daw ng tubig sa dam kaya lumubog ang kalookan at malabon. kaya hindi kami naka pag desisyon na umuwi dahil lampas na sa dibdib ang tubig baha at hindi na mountain sidecar ang ginagamit na sasakyan kungdi bangka.
Sadyang ganon daw talaga doon. kaya nga binansagang Vinice italy ng pilipinas ang nasabing lugar dahil hindi na humuhupa ang baha doon. nakasanayan na rin ng mga tao doon ang ganong sistema ng buhay. at naging hanapbuhay na rin nila ang mamangka.
Kapag ganoon may bagyo ay tiba-tiba ang mga bangkero at mga sidecar boy doon. kahit pa mga babae ay makikita mong nag sasagwan ng bangka habang ang kasama nilang lalaki ay nagtutulak naman ng bangka..
kapag sumakay ka ng mountain sidecar ay 20pesos ang isang tao, habang ang bangka naman ay 40pesos depende sa layo nito.
Nasambit ko tuloy sa aking sarili na kung ako pala ay titira sa lugar nila ay malaki ang kikitain ko sa araw araw kung mamangka ako. hahaha
*
Habang walang tigil ang pagbuhos ng malakas na ulan at patuloy ang paglaki ng tubig baha sa kanilang lugar ay mahimbing naman kaming natutulog ni mahal sa itaas na bahagi ng bahay nila Ka Andres.
Hapon na ng kami ay magising at naunang bumaba ng hagdan si mahal, upang alamin kung sino pa ang dumating na bisita. nagulat ako ng umakyat sya at sinabi sa akin na nandyan daw ang mommy nya sa baba.
tinanong ko sya kung paano nakapunta mag isa ang mommy nya, gayong napakalaki ng tubig baha. ang sabi nya lang ay "alam mo naman yan si mama walang imposible dyan aparang ako lang yan" at sinabayan ng tawa ang kanyang naturan.
Maya maya pa ay nag pasya na rin akong bumaba ng hagdan, medyo naka yuko ako dahil nahihiya ako sa mommy nila. at katulad pa rin ng inaasahan mag isa ulit akong umupo sa isang tabi at nag mamasid sa nag lalaro ng chees.
ilang oras pa ang lumipas at niyaya ako ni mahal na mag palit nang shorts at pupunta kami sa kabilang bahay kasama ang mommy nila para makita pa ang ibang anak.
At nag palit nga ako ng pang ibaba at muli na naman lumusong sa tubig baha. Sa pag kakataon ito ay sasakay na kami ng bangka sa kadahilanan na malaki na ang tubig.
At sa unang pag kakataon ay sumakay ako ng bangka kasama ang mommy ni mahal at ang kanyang kapatid na cocoy, habang ako ay takot na takot sa pag sakay sa bangka dahil gumegewang gewang ito ay ito ang nasambit ng mommy ni mahal, "ay si kuya hindi marunong sumakay ng bangka" at sinabayan ng matamis na tawa.
Habang patuloy sa pag sagwan si mamong bangkero ay patuloy naman ang huntahan ni Tita at cocoy. habang ako ay masayang ninanamnam ang kakaibang eksperyensang iyon.
Sa wakas ay nakarating na kami sa kanilang bahay. at panahon na para bumaba ng bangka. Una naming pinuntahan ay ang patulog na, na si Kevin. Ipinag laba muna ni cocoy ang kanyang kuya ng isang pirasong damit para bukas sa trabaho nito. at sumama ulit sa amin.
Sumonod naman ay sa tita nila na si Tita Nene.
Si Tita Nene ay may negosyong laruan na ibinebenta. bultuhan sya kung mamili ng kanyang paninda, katulad ng mga ipit sa buhok na pang bata. mga purselas at hikaw mga singsing at samot saring accesories.
doon kami medyo nagtagal ng kaunti dahil nag kwentuhan pa sila tungkol sa mga buhay buhay nila. Habang ako naman ay nag mamasid sa tubig baha ay may natanaw akong kakaiba sa ilalim ng tubig.
"Ay ahas!!" pasigaw kong nasabi., pero natawa lang ang mga tambay doon at sinabi na hindi ahas yun kundi IGAT, isang uri ng isan na may pagkakahawig sa ahas. ang kulay ng IGAT ay brown o kulay balat. samantalang ang ahas tubig naman daw ay kulay puti at itim o basahan ang tawag nila dito.
Nagpakitang gilas naman ang isang bata na nakatambay doon at nag abang ng mahuhulinng IGAT upang ipakita sa akin. Hindi nag tagal ay nakahuli naman sya ng igat medyo may kaliitan nga lang. matagal na oras pa ang lumipas., ng mapag diskitahan ng mga tambay doon na manghuli sa pamamagitan ng takip ng electric pan na sira. ang ginagamit nilang pang silo ng isda. noong una ay medyo nakakawalang pasensya talaga dahil hindi sila makahuli. hanggang sa nakahuli nga sila pero puro gurami naman ang kanilang nahuli. na itinatapon din nila.
Ilang oras pa ang lumipas at pabugso busgso na ang ulan. manaka naka ay titila at bubhos na naman., hanggang sa mag desisyon ang mga tambay na mag inuman. Isa ang lumusong sa baha para bumili ng alak sa di kalayuan.Dahil sa taas ng tubig ay ninais ni kuya (ang inutusan na bumuli) na mag brief na lamang sa kanyang pag lusong sa baha, para hindi mabasa ang kanyang shorts.
Ilang minuto ay nakabalik na si kuya dala ang isang bote ng emperador light 2 bote ng RC softdrinks at 2pakete ng kape at yosi.
Tuwang tuwang ibinahagi ni kuya ang kanyang karanasan sa kanyang pagbili."Bumili lang ako nag ka singkwenta pa ko" kanyang pag mamalaki sa aming lahat.
"e paano ka naman nag ka singkwenta?" tanong naman ng kasamahan nya,
"sabi kasi ng bakla doon taas ko daw yung tshirt ko at umukot ako bibigyan nya ko ng singkwenta" amaagap nyang sagot.
At amin ng sinimulang ang simpleng inuman. na nasundan pa ulit ng isang litrong empi light. Nakabalik kami sa bahay nila ka andres ng alas 3 ng madaling araw. ganon pa rin ang ruta. sa malalim na bahagi ng baha ay binangka ulit namin habang pag dating sa mababaw ay nilusong na namin.
ng mga sandaling iyon ay pinalipas na lang namin ang buong magdamag dahil kailangan na naming umuwi kinabukasan.
At kina umagahan ay naghanda na kami sa aming pag uwi. Muli ay lumusong naman kami sa napakaruming tubig baha. at ng makarating na kami sa malalim na bahagi ay muli na naman kaming sumakay ng bangka. pero sa pagkakataong ito hindi mo matatawag na bangka ang sinakyan namin. mas hawig ito sa Balsa. yun nga lang gawa ito sa styro.sumakay kami doon hanggang umabot kami sa main road. lumakad ulit sa baha at presto!! naputol ang tsenelas ko!! sakto pa walang mabilhan ng tsenelas dahil sa malakas na ulan. kaya ang ending sumakay ako ng tricycle ng walang tsenelas at pag dating sa highway doon pa kami nakabili ng tsenelas. tig isa kami ni mahal ng tsenelas at magka pareho ang desenyo nito. sinuot ko na ang sa akin para na rin makapasok ako sa LRT. LRT kasi ang sasakya namin papuntang Pedro Gil.
Lintek na LRT yan basang basa ako sa ulan at baha tapos aircon ang sinakyan namin.
Baba kami ng Pedro Gil. sakay naman ng Bus pa Alabang. aircon bus pa rin ang sinakyan namin kaya eto nangangatog na ko sa lamig.
Nakaraos din sa wakas at narating na namin ang Alabang. Pumasok pa kami sa Starmall para bumili ng baterry sa cellphone ni mahal. naka bili naman kami at tuluyan ng nag paalam pansamantala sa isat isa. hindi namin alam kung kailan ulit kami mag kikitang dalawa. basta ang alam namin ay masaya kami pareho sa naiibang araw na ito. Hinatid ko sya hanggang sakayan at mag isa na akong sumakay patungo naman sa aking destinasyon. At dito natapos ang isang kabanata ng buhay ko para sa araw na ito.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento